About This Blog

This blog is for His Glory!

Friday, April 2, 2010

Using our native language..:)



Kamusta? Hayaan nyong gumawa naman ako ng artikulo gamit ang sarili nating lenguahe..(pangako, walang paduguan ng ilong..hahaha :P)...


Habang ako'y nagmumuni-muni, naisip ko, anu nga ba ang dahilan ko bakit ako sumusulat ngayon at gumagamit ng makabagong teknolohiya? Simple lang... ang ilabas mula sa aking damdamin ang sumisilakbong pagnanais na makilala ang aking pinakatatanging kaibigan sa pamamagitan ng aking mga panulat...


Oo, magkaibigan na kami simula pa lang ng ako'y isilang sa mundong ibabaw. Kilala nya ako, at kahit kailanma'y di ako nakapaglihim sa kanya. Nuong una'y nagtataka ako at bakit nya ako kilala, eh nasa sinapupunan pa naman ako ng aking ina. Ewan ko kung bakit alam nya na babae pala ako, pati ang aking magiging itsura. Kakaiba diba? Pero totoo, walang halong kasinungalan, kilala nya na ako nuong una pa lang.


Ng ako'y lumalaki na at nagsimulang mag-aral, kasama ko sya sa paaralan. Alam nya na mayroon akong isang kamag-aral na aking sinisinta,,pero di ko masabi. Kilala nya rin ang aking mga guro at kaklase. Minsan, nakalimutan kong gumawa ng asignatura. Biruin nyo, alam nya rin yun, eh hindi ko naman sinabi sa kanya. Oo, tama ka..sobrang kakaiba. Ako rin noong una'y naguguluhan bakit ganoon. Pero ayun, nasanay na ako. Wala namang masama kung malaman nya ang lahat sa akin. Hangang sa dumating ang isang pagkakataon.


Ng tumuntong ako sa sekondarya, may mga bagay na nais na akong ilihim sa kanya. May isa kasi akong nakilalang ibang kaibigan.. Nag-aaral sya sa ibang paaralan. Naging malapit kami sa isa't isa, kaso lang, noong mangyari iyon, nagsimula na akong manlamig sa aking pinakatatanging kaibigan. Hindi ko na nga sya minsan nakakausap kapag gabi eh. Nalimutan ko na rin ang magsulat ng mga tula para sa kanya. Napako ang tingin ko sa bago.. Hanggang sa ayun, dumating ang oras na di pala totoo lahat ng pangako ng bago.. sa madaling salita, iniwan ako ng nakilala kong kaibigan. Di pala ganun kadali yun, ang iwan ka. Pero alam nyo, ang pinakatatangi kong kaibigan, di nya ako iniwan. Nilapitan nya ako at niyakap ng mahigpit, habang inaawitan. Simula noon, tinanggap ko syang muli. At biruin nyo, ang nasambit nya lang sa akin. "di naman kita iniwan".


Nag kolehiyo ako, at magkasama pa rin kami. Matatag kaming bumabagtas sa agos ng buhay. At madalas kaming nagaawitan. Habang tumatagal, tumitibay ako. Dahil alam kong kasama ko sya palagi.


Hanggang ngayon na ako'y nagtra-trabaho na sa propesyong sya rin ang nag udyok sa akin na kunin ay kasama ko pa rin sya. At nagtitiwala ako na kasama ko pa rin sya hanggang sa makamit ko ang tugatog ng tagumpay. Ay, oo nga pala, kahit ngayong ginagawa ko ang akdang ito'y katabi ko sya.


Oo, sya nga..sana makilala mo rin sya. Hindi ko sya ipagkakait sayo. Sana maging pinakatatangi mo rin syang Kaibigan.


:D
















2 comments:

Darby said...

Kaibigan na maasahan anumang oras!

Anonymous said...

at dahil buwan ng wika ngayon, ipagdiwang ang wikang Filipino!
Mabuhay ang Pilipinas!